Other LangHome >  Other Lang >  taglog
실시간뉴스
실시간 taglog 기사
-
-
Pagbisita ng anak sa pagitan ng Koreano at extensyon ng pamamalagi sa Korea
- Tanong) Si A ay nagmula sa Vietnam at may 5taong gulang na anak na babae. Si A ay may F-6 na visa, at diborsyada sa pamamagitan ng kasunduang diborsyo, sa kanilang paghihiwalay ang kanyang asawang koreano ang magpapalaki sa kanilang anak. Si A po ba ay makakapag extend ng visa? Sagot) Opo, siya po ay maaaring mag-extend hanggang mag 18taong gulang ang kanya anak. Subalit kinakailangan na regular niyang na mabisita ang kanyang anak upang maextend ang kanyang visa. Sa tuwing magkikita sila ng kanyang anak kailangang kuhanan ng litrato na ipapasa sa tanggapan ng Imigrasyon sa tuwing mag-iextend siya ng visa. Ang anak ni A ay maayos na pinakikita ng ama ng bata. Subalit may mga tao naman na hindi pinakikita ang anak matapos maghiwalay. Ano po ang dapat gawin sa ganitong sitwasyon? Sumangguni po kayo sa Danuri helpline Gyeonggi Suwon. Sama-sama po nating hanapan ng paraan.
-
- Other Lang
- taglog
-
Pagbisita ng anak sa pagitan ng Koreano at extensyon ng pamamalagi sa Korea
-
-
Labag po ba sa batas ang pagtanggap ng 5% na tubo sa isang buwan?
- Labag po ba sa batas ang pagtanggap ng 5% na tubo sa isang buwan? Tanong) Si A ay isang Vietnamese na nagpahiram ng 5milyon won sa kanyang kaibigan na si B sa pangakong tutubuan ng 5% sa isang taon. Sa loob ng isang taon si A ay nakatanggap ng 250,000 won bawat buwan mula kay B sa pamamagitan ng pagpapadala sa bangko. Subalit makalipas ang 1taon si kaibigang B ay nagsasabi kay A na hindi niya mababayaran ang kanyang hiram ng isahang bigay dahil sa kawalan ng pera. Nang dahil sa paulit-ulit na paniningil ni A at sa mataas na interes nagsabi si B na magsusumbong daw siya sa pulisya dahil ang pagpapahiram sa mataas na interes ay ilegal, nag-alala si A. Ilegal po ba ang pagtanggap ni A ng 5% interes mula sa kanyang kaibigan? Sagot) Opo. Ang pagtanggap po Ang pagtanggap po ng labis interes batay sa batas ay maaaring sampahan ng kaparusahan batay sa batas.Sa Korea ay may batas batay sa limitasyon sa pagtanggap ng interses ang pagtanggap ng higit sa 25% interes sa isang taon (2.08% sa isang buwan) ay labag sa batas. Si A po ay tumanggap ng mas mataas na interes batay sa batas. Dahil sa pagtanggap ng maraming interses maaaring ibalik ni A kay B ang sobrang interes o kaya’y makasundo na bayaran ni B ang kapital ng pabaha-bahagi. Para sa karagdagang detalye tumawag sa Danuri help line Gyeonggi Suwon(031 257 1841).
-
- Other Lang
- taglog
-
Labag po ba sa batas ang pagtanggap ng 5% na tubo sa isang buwan?
-
-
Tanong) Ang Ministro ng Katarungan ay .....
- Tanong) Ang Ministro ng Katarungan ay nagpahayag na ang mag-aapply ng nasyonalidad simula Marso Taong 2018 ay kinakailangang kumuha ng pangkalahatang pagsusuri sa pinagsamang programang panlipunan sa halip ng pagkuha ng eksaminasyon para sa nasyonalidad.Kung ganoon, kinakailangan po bang kumuha ng pagsusulit ng pangkalahatang pagsusuri sa pinagsamang programang panlipunan ang imigranteng asawa (F6) na kasalukuyang kasamang naninirahan ang Koreanong asawa? Sagot)Hindi po. Tulad sa kasalukuyan may eksempsyon. Ang imigranteng asawa na kasalukuyan kasal at kasamang naninirahan ang koreanong asawa ay hindi na kinakailangan kumuha ng pangkalahatang pagsusulit sa pinagsamang programang panlipunan. Subalit kung ikaway diborsyado o kaya’y namatayan ng asawa na kabilang sa mga kailangang kumuha ng pasusulit para sa nasyonalidad, simula sa Marso taong 2018 ay kinakailangang kumuha ng pangkalahatang pagsusulit sa pinagsamang programang panlipunan. At para dinsa mga nakatanggap ng sertipiko sa pinagsamang programang panlipunan ay hindi na kinakailangan kumuha ng pangkalahatang pagsusulit. Subalit wala pa ring sapat na pamantayan tungkol sa mga taong may hawakna sertipiko sa pinagsamang programang panlipunan na hindi pumasa sa pagsusuri, sa pamamgitan ng pagbabalik-aral awtomatikong nakatanggap ng sertipiko. Ang bagongsistema ay magsisimula sa Marso taong 2018. Sa mga aplikanteng nagpasa ng aplikasyon bago ang araw na ito ay tulad ng kasalukuyan kinakailangang kumuha ng pagsusulit sa nasyonalidad. Tulad sa kasalukuyan maaaring kumuha ng pangkalahatang pagsusulit sa pinagsamang programang panlipunan sa loobng isang taon matapos mag-aplayng nasyonalidad at ipasa ang resulta ng pagsusulit sa Tanggapan ng Imigrasyon. Ang pagsusulit ay may 45 katanungan na kailangang sagutin sa loob sa 70 minuto. Mayroong pagsusulit sa pagsulat, pagsasalita at maaring kumuha hanggang ikatlong beses. Simula 60 na puntos pataas hanggang 100 na puntos ay pasado sa pasusulit. Ang sistemang ito ay ilalapatsa mga mag-aapply ng nasyonalidad pagkataposng Marso 1, 2018. Para sa karagdagang detalye tumawag sa Danuri helpline Gyeonggi Suwon(031 257 1841).
-
- Other Lang
- taglog
-
Tanong) Ang Ministro ng Katarungan ay .....
-
-
Ano po ba ang Pinagsamang Panlipunang Programa(KIIP)?
- Ano po ba ang Pinagsamang Panlipunang Programa(KIIP)? Ang Pinagsamang Panlipunang Programa (KIIP) ay pina-ikling salita sa ingles ng Korea Immigration and Integration Program. Paano po ba ang kontraksyon ng pag-aaral na ito? Ito ay mayroong pag-aaral ng lengguwaheng Koreano at kulturang Koreano sa 0bahagi~ika 4na bahagi na kurso na kinakailangang kumpletuhin sa 415na oras. at maaaring tumanggap ng katibayan kapag nakumpleto ang 50oras na kurso para sa Pag-unawa ng lipunang Korea at nakapasa sa huling ebalwasyon. Ano po ba ang kabutihan sa pagkakaroon ng katibayan ng KIIP? ▶Hindi na kinakailangan na dumaan sa“Pagsusulit ng lengguwaheng Koreano at interbyu” para sa nasyonalidad▶Pagbawas sa tagal ng paghihintay sa pagkakalood ng apruba para sa nasyonalidad▶at hindi kinakailangan ng katibayan para sa abilidad ng lengguwaheng Koreano. Ano po ba ang paraan at sa saan po ba maaring magparehistro ng KIIP? Kayo po ay maaring magparehistro sa Online Network ng Impormasyon para sa Pinagsamang Panlipunang Programa (www.socinet.go.kr). Matapos mgaparehistro kayo po ay lalahok sa itinakdang pre-assesment na pagsusulit. Ang bahagi ng inyong pag-aaral sa lengguwaheng Korea ay nababatay sa resulta ng inyong pagsusulit. Halimbawa kung kayo po ay nakatanggap ng 20punto pababa sa pre-assesment na pagsusulit kayo po ay mag-uumpisa paunang bahagi ika 1-antas at 100oras na pag-aaral ng lengguwaheng Koreano. Kung kayo ang mag puntos na 21-40kayo po ay mag-uumpisa sa paunang bahagi ika 2-antas ng pag-aaral ng lengguwaheng Koreano.
-
- Other Lang
- taglog
-
Ano po ba ang Pinagsamang Panlipunang Programa(KIIP)?
-
-
Q) Maaari po bang palitan ng apilyedo sa Korea ang apilyedo ng aking dayuhang asawa?
- Q) Maaari po bang palitan ng apilyedo sa Korea ang apilyedo ng aking dayuhang asawa? Ako po ay nakatakda na maging sa taong ito, at ang aking asawa ay isang dayuhan. Kapag isinilang ko ang bata at sinunod sa apilyedo ng aking asawa ay maaaring maging sanhi ng diskriminasyon dahil naiiba ito sa apilyedo sa mga koreano. Ang aking asawa ay mayroong visa ng migranteng asawa subalit hindi pa siya nakakakuha ng nasyonalidad maaring po bang baguhin ang apilyedo ng aking asawa sa apilyedo ng Korea sa pamamagitan ng pag-aaply ng pagpapalit ng apilyedo at pinagmulan? A) Maaari pong iparehistro kasunod sa apilyedo ng ama o kaya,y apilyedo ng ina na may nasyonalidad ng Korea. Kung ipaparehistro kasunod sa apilyedo ng ama katulad noong nagparehistro ng inyong kasal ang apilyedo ay hindi koreano ang apilyedo ay isusulat pamamagitan ng pagbigkas sa Korea. Kahit ang inyong asawa kinakailangan munang kumuka ng nasyonalidad ng Korea upang makapagparehistro ng apilyedo at pinagmulan.